

Relate ako sa kanilang apat. 😞 Yearner at student leader tulad ni Leslie. Student journalist tulad ni Germie. Bi na dumaan sa identity crisis tulad ni Benjie. Academic achiever tulad ni Trixie. Bilib ako sa kakayahan at tapang nila. Sana naging ganito rin ako katapang noong senior high. Bilang isang estudyanteng nakaranas din ng mga isyung may kinalaman sa aming principal, naiisip ko kung paano kaya kung mas naging matapang ako noon. Gumawa naman ako/kami ng mga paraan para bumoses pero naiisip ko pa rin na sana mas ipinaglaban ko pa ang karapatan naming mga estudyante, lalo na't isa rin akong lider-estudyante. Habang pinapanood ko sila, para akong nakatingin sa iba't ibang bersyon ng sarili ko. Natatakot din sila, nagdududa rin, at nasasaktan. Pero sa kabila noon, pinili pa rin nilang magsalita at kumilos. Iyon ang pinakatumatak sa akin. Alam kong hindi ko na mababago ang mga pagkakataong pinalampas ko noon. Pero dala ko ang aral na ibinigay ng pelikulang ito at hindi pa huli ang lahat para mas gamitin ang boses ko. At ngayong papasok na ako sa kolehiyo bilang isang iskolar ng bayan, sisiguraduhin kong magiging mas matapang, mas mapanindigan, at mas handang ipaglaban hindi lang ang sarili ko, kundi pati ang kapwa ko estudyante at ang bayan. 🌻❤️ KUHANG KUHA AKO NITONG SHORT FILM NA 'TO! THANK YOU SO MUCH YOUTUBE FOR PUTTING THIS ON MY RECOMMENDATIONS (alam mo haaa)

PAKI IS LIG

sa sobrang lakas ng iyak ko pumasok sa kwarto mommy ko sabay tanong kung ano raw ba nangyayari T—T

WOW