Himala
linyang umuugtong sa utak ko habang at hanggang matapos ko ang panonood:
"Mahirap lang tayo. Kung hindi tayo maniniwala, ano na lang ang matitira sa’tin?"
at dahil diyan may kung anong realisasyon lang din talaga na nabuo sa akin. hindi ko alam kung tama ba at may sense, pero sa ngayon ganto ko siya napagtatanto.
(OK MEDJ MADAMING DALDAL LANG AT MAGULONG TOTS ALERT)
dati kasi may kung ano talaga sa akin na hindi ko lubos mabigyan ng paunawa kung bakit may mga taong nagpapakita ng ganoon katindi at kalalim na debosyon. At aminado rin ako na para sa akin non ay tila parang ang labis-labis naman ng ginagawa nila?! parang hindi makatwirang makita silang ganiyan.....nagtitipon-tipon tapos magtitiis sa init, sa siksikan, sa pagod, sa sakit o hirap sa proseso basta makahawak lang sila sa rebulto o sa itinuturing nilang banal.
kung saan kahit alam ko na wala akong karapatan, pero dahil minsan hindi ko rin naman maiwasan...eh nakukuwestyon ko sila? na bakit nila kailangang gawin yon. bakit nila ginagawa yon. bakit nila kailangan maranasan yon. (oo yung iba sa kanila sadyang desperado lang na gumaling o kung ano man ang gusto nilang maibsan) pero bilang batang na brainwash sa usaping ito, na ganiyan ganto bla bla.. hindi naabot ng pagunawa ko o kung ano man para mabatid ang lalim ng damdamin at dahilan nila sa likod ng mga ganitong gawain. kaya no'ng mapanood ko nga ang himala, dito rin talaga umusbong ang malawak na realisasyon at pagunawa kung bakit may mga ganitong klase ng tao at bakit may gantong gawain.
na ang pananampalataya pala ay minsan hindi lang basta paniniwala, bunga rin Ito ng ating mga takot.... dahil kapag puro pasakit na lamang, kapag nakikita natin na ang sistema ay hindi para sa atin, kapag kahit anong gawin ay parang kulang at wala lang....may kung ano sa ating mga tao na naghahanap ng bagay na kakapitan, magsasalba sa atin, at magbibigay ng saysay sa ating mga pagdurusa. kaya madalas kahit saan at ano na lang, pinapatos na lang din ng iba. nagdarasal, sumasamba o umaasa. hindi lang dahil gusto nila/natin, kundi dahil minsan, sadyang paniniwala na lang din talaga ang meron tayo o ang iba.
haaaay nakakalungkot isipin 'no? pero ewan hindi ko na rin alam kung ano 'tong mga pinagsasabi ko 😭 pero overall, maganda!!!!