The '70s
"Narerealize mo ba, Dad, na at this point, hindi pa man ako nag-aasawa ay may utang na ang mga magiging anak ko. Hindi ka ba nagagalit na ang mga anak ng magiging anak mo, ngayon pa lang ay pambayad na ng utang na wala ka namang kinalaman"
nasa ika-pitong baitang ako nang una kong marinig ang mga salitang kagaya niyan. noon, hindi ko lubos maunawaan kung bakit tila may diin at galit na ipinukol ito ng aming guro sa aming kamalayan. inakala ko pa na isa lamang itong pananakot, isang malabong banta na malayo sa aming murang realidad. ngunit habang lumilipas ang mga taon kasabay ng paglawak ng aking kamalayan, unti-unti ko ring naunawaan ang bigat ng kanyang sinabi. at gaya niya, natutunan ko ring magalit. galit na kailan man hindi na mabubura. galit na nagmumula sa pagkamulat.
at ang mas nakakagalit? lumilipas ang panahon, nagpapalit ang mga mukha sa kapangyarihan, nadaragdagan ang mga pangako, ngunit nananatili pa rin ang maraming pasanin na gaya nito. isang pasaning ipinapamana mula sa isang salinlahi patungo sa susunod.
may MALI kaya may PROTESTA. may NATATAMASA dahil sa mga NAKIKIBAKA. kung hindi kikilos ang mamamayan, sino ang kikilos? kung hindi ngayon, kailan pa? hanggang kailan ipapamana ang problemang hindi naman nilikha ng mga tatanggap nito?