Sunshine
“naiintindihan mo ba ako?” “gets ko na.”
I’m gonna be honest, hindi ako komportable habang pinapanood ang pelikula, but that’s the thing about this film— it does not aim to entertain and make you comfortable, kundi buksan ang mga mata mo. Ang kwento ni Sunshine, Geleen, Mary Grace, Aling Tindera sa Quiapo, at mga kababaihan sa maternity ward ay hindi kathang isip lamang. Hango ito sa mga reyalidad na dinadanas ng mga kababaihan sa Pilipinas.
Siguro, hindi ako komportable dahil may pribilehiyo akong maging uncomfortable sa ganitong usapin dahil hindi ko naman siya nararanasan. Ang daling umastang moral, banal, at tama kung wala ka naman sa kinalalagyan nila. Pero sila? Wala silang choice. Wala silang magawa dahil wala silang access sa maayos na reproductive healthcare at sex education, pero higit sa lahat, wala silang karapatan sa sarili nilang katawan.
At the end, the film begs to ask, “naiintindihan mo ba ako?” Minulat ng pelikulang ito ang mata ko sa reyalidad ng sitwasyon ng mga kababaihan at kanilang access sa reproductive healthcare at sex education dito sa Pilipinas. Ngayon, gets ko na.
Happy International Women’s Month, sa lahat ng mga kababaihan! Mabuhay kayo! 💜