Three Years Without God
napaka raming taon at dekada na ang lumipas ngunit marami pa ring pagkakapareho hanggang ngayon
- yung misleaded hate sa kapwa pilipino kahit pare parehas lang naman silang biktima, kagaya nalang ng sitwasyon sa 4Ps—imbis na sa gobyerno magalit, sa kapwa pa mamamayan itutuon
- pag glorify sa mga amerikano at hapon. sa panahon ngayon, napaka taas pa rin ng tingin nila sa kanila at mas tinatangkilik pa kaysa sa sariling atin, or colonial mentality. kasama na rin dito yung mga tao na pantasya ang magkaroon ng kanong asawa para isalba sila dito, di lang dahil sa salapi pati na rin sa itsura
- paglaban para sa specific na mga tao, tulad ng mga loyalista gaya ng mga dds at apologists ngayon. hindi sila galit para sa bansa natin—galit sila para sa mga iniidolo nila na wala namang pakialam sakanila
- mga babaeng tinatanggap nalang yung kapalaran nila dahil sa pamilya at relihiyon
- mga taong pinagtatanggol ang pananamantala
- pribilehiyo
- relihiyon
+ di nakakaawa yung magulang ni rosario
+ rapist pa rin si masugi
--- sakto yung musical scoring, talagang dumadagdag sa mga pangyayari sa pelikula kaya nakakakilabot talaga
--- grabe rin yung linyahan dito
– kailanman ay hindi tayo naging malaya. nakalaya man tayo sa ibang bansa, ngunit pilit pa rin tayong nagpapagapos sa pagiging loyalista at mga pagpapantasya. nagpapasakal pa rin tayo sa sariling mamamayan na naghahari-harian o nag rereyna-reynahan sa sarili nating bayan.