Third World Romance
Sa totoo lang, ayoko karamihan ng romance stories ng Philippine cinema ngayon. Tipong kahit di mo pinapanood o trailer pa lang e halos pare-pareho lang ang tema, tama, at pahugot. Pero ibang klase 'yung tatlong characteristics na binanggit ko sa Third World Romance.
Di ko siya nakita solely as poverty being romanticized pero isa siyang malaking social commentary na nakabihis as a romance tale. Aaminin ko rin, kinilig ako bahahahahaha.
Sa tingin ko, ito na ang isa sa paborito kong romantic movie natin. Oo, masyadong OA siguro. Pero wala e, ang ganda kaya. Nakaka-amaze lang rin (ewan ko kung ako lang) pero ang lakas ng western influence sa pelikulang 'to. Which I think is not a bad thing unless overused masyado at pilit. Ayoko na magbanggit kung anong mga pelikula 'yun pero halata naman siguro. Tanungin niyo na lang ako in person o sa comments.
Si Carlo Aquino, ice naman. May dating. Pero 'yung tunay na bumuhat si Charlie Dizon. Truly one of the best local actors working today. Bentang benta facial expressions at natural line deliveries.
Kung di niyo trip 'yung movie, ayus lang. Pero ako tangina nagustuhan ko e.