

narealize ko hindi sa lahat ng oras, kailangan maging matapang. kailangan din natin maging mahina. pero syempre lumaban at hindi sumuko anuman ang manyari. natutuwa ako para sa panganay dahil hinarap niya ang lahat. at saludo sa bunsong niligtas siya sa kadiliman na puno ng kalungkutan. alam kong naging mahirap ito. pero lilipas din ang lahat ng ito. napakahusay!

kahit ako magiging si Philip din kapag di lovers lumabas sa FLAMES eh sana may sariling mundo yung mga kabataan na malaya silang ipakita o ipakilala kung sino talaga sila. ngayong henerasyon talaga kakaiba na eh. + nagustuhan ko yung pagmamahal nung mama ni Philip sa kanya, handa niyang gawin ang lahat para sa anak niya. mabuhay ang mga bading! mabuhay ang pelikulang Pilipino! :D

nagandahan ako doon sa konsepto! "the fruit doesn't fall far from the tree" yung isang idyoma na may 2 paraan na paggamit - positibo at negatibo. pero anuman ang manyayari, ikaw lamang ang malaya kung ano ang gusto mo maging o ano ang prutas na gusto mong maging. binigyan ako ng inspirasyon ng pelikulang ito na maniwala sa iyong kakayahan at huwag hayaan mahusgahan ng iba. mahusay!

uy grabe yung kilig ko rito! nagustuhan ko yung hilig nila kay Frank Ocean (nasaan ka na namimiss na kita) binibigyan ako ng motibasyon na pakinggan yung Blonde na album eh. ganda rin nung part na ang nerd ni boi para lang mayroon sila pag-usapan ni Alex hoy ang ganda rin nung naging dyahe sila sa isa't isa pati rin yung biglaang silay. napaka-cute omg ito pa naman yung nakakakilig yet napakabitin sa sobrang iksi. na para bang mhie at dhie ang tawagan niyo? pero sana nga silang dalawa ang endgame. (2/4)