The '70s
Hindi lang ito pelikula, kundi salamin ng pakikibaka ng sambayanang Pilipino laban sa imperyalismo, diktadurya, at pwersang mapaniil. Sa panahong puno ng tensyon sa politika natin ngayong 2025 — mula sa malawakang protesta laban sa kurapsiyon at kawalang‑katarungan hanggang sa mga balitang umiikot sa impeachment at pulitika sa bansa — mas ramdam ko ang koneksyon ng pelikula sa tunay na buhay natin bilang mga anak ng Inang Bayan.
Si Amanda ay hugis ng bawat Pilipino na hindi sumusuko sa laban, na may layuning itaguyod ang dignidad, kalayaan, at kinabukasan ng bayan. Ang kanyang pakikibaka ay paalala na ang pagmamahal sa pamilya ay hindi hiwalay sa pagmamahal sa bayan.
**Hindi sa mga Marcos.
Hindi sa mga Duterte.
Oo sa bayan.
Oo sa hustisya.
Oo sa tunay na demokrasya
Oo sa paglaya ng Pilipino mula sa pang-aapi, dayuhang impluwensya, at sistemang mapanupil.
#NeverAgain #NeverForget**