Sunshine
'Naiintindihan mo na ba 'ko?'
>
'Gets ko na. Gets ko na.'
Ang tagal kong naghintay para mapanood ’to sa Netflix and FINALLY nandito na. And grabe, hindi ako prepared sa binigay ni Maris dito. Sobrang pulido. Sobrang raw. Sobrang *“ay oo, ganito talaga buhay ng babae—lalo na kung babae ka sa Pinas.”
*
Sa wakas, may pelikulang hindi takot maging totoo. At bilang bansa na predominantly Catholic (sigh), alam mo na agad na taboo ’to. Ang hirap maging pro-choice sa isang lugar na agad kang hinuhusgahan bago ka pa marinig.
Kaya huge deal talaga na may pelikulang gaya nito na nag-oopen ng usapan. At pinaka-tumatatak sa akin ’yung paalala na ang babae… tao. Hindi lang “may dinadala.” Hindi lang vessel. Tao.
Na may nararamdaman, may konsensya.
Na may sariling isip at puso.
Na may takot at pangarap.
At hindi biro ’yung bigat ng bawat desisyong kailangan niyang pasanin mag-isa.
Tapos Manila as the backdrop??? YES.
Hindi siya ginawang poster aesthetic! Totoong Maynila talaga: mainit, masikip, magulo, pero buhay. Like literal na buhay. Mga mukha ng taong araw-araw lumalaban sa sistema na hindi naman talaga pumapanig sa kanila.
And the film doesn’t say “Maawa ka.” Hindi.
Ang sinasabi niya is: “Makinig ka naman kahit minsan.”
Kaya oo.
Isang malaking oo.
Gets ko na, Sunshine.
(At medyo hindi ko kinaya emotionally kasi DAMI KO PANG NASASABI pero grabe, kudos talaga!)
#ph#2025#:)