***“tama ka. puwede ngang dalawa silang lalaki.”
—
“o... dalawang babae.”***
this is my first time seeing a filipino BL film, where you can feel the pure emotions through presenting the beauty of arts.
buhay na buhay sa mga tula na binubuo ng mga malalalim na salita. i love jean garcia’s character here—the way she shows her love for dancing, at kung paano niya ipinakita na desidido siyang gawin ang lahat ng gusto niya sa paraan ng pagmamahal sa sining. one of my favorite scene here is the part where they focused the camera to ma’am karen, while marlon and dennis are dancing in front of her, and there’s a mirror behind ma’am karen and you can see their reflections while they are dancing. i love the idea of the cinematography. the acting skills—the way she carried that scene, like, you can actually feel her emotions habang bumubuhos ang mga luha, na parang pakiramdam niya,
nakikita niya ang sarili niya. i cried on that part, ewan, ang galing niya.
ang sabi niya nga, “sa mga ganiyang pagkakataon, iniisip ko na lang na… hindi ibang tao ang tinuturuan ko, kundi ang sarili ko
“minsan may silbi rin ang mga salita, nakakapagod na rin minsan ang pagsayaw.”
sobrang ganda ng karakter niya. napaisip ako bigla na iba pala talaga ang nagagawa ng pagmamahal. iba rin ang nagagawa ng mga salita. puwede mong ituro sa iba, puwede rin nilang itatak sa kukote nila. nakakahawa rin pala ang pag-ibig, lalo na kapag busilak ang pinaramdam.
i love the ending. ewan ko kung tama ang pagkaka-gets ko, pero ang ganda. nung naluha si marlon sa last scene na ’yun, feeling ko he realized na kasama na sa mga piraso niya ang
pagsasayaw—nabuo na ang pagmamahal niya doon. at may rason kung bakit at kanino niya natutuhan. hindi kay miss karen,
kundi kay dennis.