galit ako sa kapitalismo,
lalo na sa bawat kapit at alis mo
sa kada pisong nasa garapon,
at bawat bente sa bulsa ng luma kong pantalon
ke cashier pa o janitor, saan man may pera
pipiliin kong maging isang mahirap basta mahirap tayong dal’wang magkasama
dahil nakita ko na ang mundong umiikot sa pera,
at ang pinakamahirap pa rin na pakikibaka ay ang makibaka nang wala ka
at hindi na ako magagalit sa kapitalismo,
kung kapalit ang kapit lamang at hindi na ang pag alis mo.