Mabigat panuorin, dahil may temang reyalismo ang pelikulang ito. Nakalulungkot lamang isipin na wala nang ibang paraan upang makatakas si Insiang sa buhay na 'di naman niya pinili, kundi ay ang maghiganti sa lahat ng umapi sa kanya. Nararamdaman ko nung nakita muli ni Insiang ang kanyang ina sa kulungan, ay sumagi rin sa kanyang isipan na siya rin pala ang minsang tumayong parehong ina at ama sa kanya nung siya ay bata. Marahil nais lamang ni Tonya na magmahal at mahalin muli, ngunit sana naman ay sinimulan niya muna ito sa kanyang anak. Para naman kay Dado, hiling ko sana'y 'di siya agad namatay para pagbayaran ang kanyang sala, ngunit napagtanto ko rin mula sa pananaw ni Insiang na ang mga makasariling katulad niya ay 'di na nararapat mamuhay dito sa mundo kung manga-alipusta lamang. Habang sa kanyang matalik na kaibigan, sana'y nasa tabi siya ni Insiang upang damayan siya sa kanyang paghihirap, ngunit maaaring may pinagdadaanan din siya. 'Di natin nalaman kung ano ang sinapit ni Insiang matapos ang insidente, pero nais kong isipin na siya ay nakapagtayo ng negosyo at nabili ang kanyang gusto, p'wede rin namang makakilala siya ng lalaking mamahalin siya hindi lamang sa kanyang itsura, kundi pati na rin sa kanyang kalooban.
Lahat ng tauhan ay naiintindihan ko maliban kay Dado at sa iba pang mga katulad niyang lalaki. Nawa'y magsilbi itong aral na ang mga babae ay hindi isang bagay lamang upang pagnasahan — sila ay tao rin na may isip at puso. Mapulot din sana natin ang aral na ang ating mga anak ay dapat binubuhusan ng paga-aruga at pagmamahal sa halip na poot at galit. At panghuli, sana'y mapagtanto natin na
ito ay posibilidad na halo-halong tunay na kwento ng karansan ng mga iba't ibang mahirap na tao. Ito ay protesta laban sa 'di pagkakapantay-pantay na trato sa kasarian , at sa kapitalistang sistema na lalong nagpapalala sa estado ng buhay ng mga taong nasa laylayan.
Ito lamang po ang aking pagsusuri.