Hangga’t hindi tayo nawawalan ng pag-ibig, hindi tayo mawawalan ng pag-asa.
Nakakalungkot—at the same time, nakakagalit. Halo-halo ang emosyon ko habang pinapanood ito. Nakakalungkot dahil ginagampanan nila pareho ang pagiging aktibista at pagiging magulang—at nakakadurog din ng puso dahil nakita ko kung gaano kahirap para sa kanila na iwan ang kanilang mga anak para sa pinaglalaban nila. Nakakagalit dahil sobrang tagal na nilang ginagawa ito, pero wala pa ring pagbabagong nangyayari. Dumating pa sa punto na si Agnes Mesina ay inaresto dahil siya raw ay terorista; si Amanda Echanis ay inaresto dahil sa illegal possession ng mga armas kahit hindi naman totoo; at si Randy Malayao na pinatay dahil sa kanyang ipinaglalaban. Nawa’y mabigyan sana sila ng hustisya.
Makikita natin sa tatlong ito na hindi sila takot magsalita at lumaban para sa bayan, dahil ika nga ni Amanda, “Hindi mali ang lumaban, may mali kaya tayo lumalaban.”
‘Pag hindi niyo pinanood ‘to—EKNL. Pero real, panoorin niyo ‘to hangga’t may pagkakataon kayo.