siguro ito ang isa sa pinakamabigat at hilaw na pelikulang napanood ko ngayong taon. hindi ko alam kung pano simulan lahat ng gusto kong sabihin. ang gulo. ang daming nangyari. para akong iniwang hubad sa gilid ng kalsada habang nakasabit sa leeg ang plaka ng mundo:
kahirapan ang pinakamalalim na sugat na hindi kayang takasan. minumulto tayo ng nakaraan sa bawat katiting na pag-asa na meron tayo para bukas.
walang katapusahan ang pagkadesperado; namulat tayong tumatakbo bago pa man tayo natutong tumayo sa sarili nating mga paa. at kapag binisita tayo ni kamatayan, maaabutan nalang niya tayong nakadapa. baka nga totoo na kapag nasanay tayong magbigti, e hindi na tayo nalulunod. pero baka rin totoong lunod na tayo bago paman makakapit sa bigti. mahirap maging mahirap, alam ko yun. pero mas mahirap lumaya sa hirap kapag nasanay kana.
nanakawan ka na ba?
matagal na tayong ninakawan ng bukas sa bawat desperadong sigaw ng tiyan at ng bayan.
ano bang nangyayari sa taong desperado na nasa desperadong sitwasyon?
ang sagot: sa pagkahabahaba ng prosisyon, sa simbahan rin paroroon. ibig sabihin: ang bawat kalbaryo’y natatapos lang kapag nasa lamay ka na. at nakakatakot ito, nakakatakot isipin ang ideyang baka dito lang talaga tayo. yun lang.
lesson learned: ang hirap maging pinoy.