ilang minuto bago ko panoorin 'to, tinanong ko sarili ko kung kakayanin ko ba? kasi sa lahat ng mga pelikula na napanood ko, wala pa akong iniiyakan. o siguro busy lang ako sa buhay kaya hindi ko namamalayan na may mga problema lang ako na nanatili sa 'kin. sa totoo lang, ito yung unang maikling pelikula na nagpaiyak sa 'kin. habang naglalagay ako ng review ko rito, naluluha pa rin ako. saludong-saludo ako sa mga tatay na nagttrabaho at handang isakripisyo ang lahat para sa kanilang anak.
'di naman sa wala akong tatay, mayroon. sadyang 'di ko maramdaman yung pagmamahal. kung mayroon akong pagkakataon na makipag-usap, handa akong gawin yun.
nakakabwisit na gobyerno. kamahal-mahal ang pilipinas, pero pagdating sa usapang gobyerno, wala na tayong maaasahan. kung hindi ka pa galit, bakit? kung hindi ka pa alerto, bakit? kailan ba natin makakamit ang kalayaan na karapat-dapat?
napakahusay ng pelikula na ito. magagaling din ang mga aktor. kitang-kita ko ang kanilang hirap at emosyon. ang kuwento nito ay mananatiling malalim at nakasalalay sa nanyayari ngayon.