sa ingay ng busina ng mga sasakyan sa tanghali, masiglang usapan sa pagitan ng mga taong nagpapalipas lang ng oras sa magulo ngunit masiglang siyudad ng maynila — pagsapit ng gabi, dilim, katahimikan, paglisan ng mga tao, saradong mga tindahan — dito mismo umiingay ang salita sa isipan ng mga tao at dito sumisigla ang konsepto sa hypothalamus ng libo-libong tao sa maynila, sa quiapo, sa avenida.
sa libo-libong tao na ito, nabigyang pansin ang pantasya ng apat na lalaki. si caloy na tumutulong at nag-tatrabaho sa ukay-ukay at nagtitiyaga sa kaunting sahod sa kabila ng patong-patong na utang. si lando na isang biyudong nagpapatakbo ng isang munting tindahan, nag-iisa, malamang nananabik sa haplos ng kanyang misis. si alex na naka-halo sa paglalaro ang buhay ngunit hiwalay ang isipan sa reyalidad; maihahalintulad siya sa isang lata, maingay sa panlabas ngunit walang laman sa loob. at si obeng na sa kalagitnaan ng katahimikan sa kanyang mundo, sa gabi at pagnanakaw kumukuha ng ingay.
konsepto na naglalarawan kung ano ba ang ninanais nila, konsepto na nagsasabi kung ano ang wala sila. lahat ng iyon ay si aileen. si aileen ang konseptong pinang hahawakan nila sa magulong daigdig, si aileen ang pantasyang pilit nilang inaabot.
*ngunit, abot-kamay nga ba si aileen?
*
imposible. lumalabas siyang mas mababa na katauhan at higit pa na ideyang humuhugis sa kanilang kagustohan.
hanggang kailan ba magsisilbing pitsel na imbakan ng imahinasyon ang mga kababaihan para sa mga lalaki?